Ang Mesopotamia ang lunduyan ng sinaunang kabihasnan. Dito nabuo at nahubog ang kabihasnan ng Sumer, Akkad, Babylonia,Assyria at Chaldean.Dito nagsimula ang kauna-unahang kabihasnan na pinapahalagahan hanggang sa kasalukuyan. Sa mga kabihasnang nabuo sa Mesopotamia may iba't iba ding mga imbensyon ang nagawa dito, tulad ng ziggurat, ng clay tablet at stylus, ng mga chariot at ng Hammurabi's code o ang kalipunan ng mga batas ni Hammurabi. Bumagsak ang kabihasnang Mesopotamia simula ng masaksihan ng Mesopotamia ang pag-usbong ng panibagong kapangyarihan ng taga Persia sa panahon ni Nabonidus. Nilusob ng Persia ang Babylon at napasailalim ng mas malaking imperyo ang at malaking lungsod . Tuluyang naglaho ang kabihasanang Mesopotamia kasabay ng pag-usbong ng sibilisasyon ng Gresya at pagbagsak ng Persia.