Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa sa IDNStudy.com. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

imperyong itinatag pagkatapos ng babylonia

Sagot :

Ang sagot ay "Assyria"

Kasali o kabilang ang "Assyria(1813 - 605 BCE)" sa kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya.

Matatagpuan natin ang Assyria sa bulubunduking rehiyon sa hilagang parte ng Babylon. Sa hilagang bahagi ng Tigris hanggang sa mga mataas na kabundukan ng Armenia, ito ay nasakop ng rehiyong ito. Sa pagtatapos ng ika-19 na siglo B.C.E., nakamkam ng sundalong si Shamshi-Adad I (1813-1781 B.C.E.) ang Ashur, ang unang kabisera ng Assyria. May itinatag siyang isang imperyo sa hilaga ng Mesopotamia. Nagsimulang bumagsak ang imperyo na namatay si Shamshi-Adad l, habang ang Ashur at ang parteng hilaga ay naging bukas sa mga pagsalakay mula sa katimugan. Noong 1120 B.C.E. nasupil ni Tiglath-Pileser I (1114-1076 B.C.E.) ang mga Hittité at naabot ng puwersa niya ang dalampasigan ng Mediterranean. Itinuturing siya na tagapagtatag ng Imperyong Assyrian.

Sa pagbagsak ng Mitanni, ang Assyria ay muling lumaya. Nagbigay-daan ito sa pagkakaisa ng teritoryo ng Assyria upang makabuo ito ng isang malawak na imperyo noong unang milenyo B.C.E. Sa mga panahong ito, madaming pagbabagong politikal ang nangyari sa rehiyon malapit sa Mediterranean. Namalagi ang mga Philistine sa baybayin malapit sa hilagang Egypt, habang ang mga Hebrew ay nanirahan sa maburol na bahagi paloob pa ng lupain. Sa Mesopotamia, patuloy na naglaban ang mga tribo ng Aramean at Chaldean sa layong makuha ang Babylonia, Sa sandali, matibay namang kinontrol ng mga Assyrian ang kanilang lupain. Sa pagdating ng ika-9 na siglo B.C.E., nagpahatid ng mga ekspedisyong militar pakanluran ang lider ng Assyria upang makamkam ang mahahalagang rutang pangkalakalan at makakuha ng mga tributo mula sa mahihinang estado. Si Ashurnasirpal II (1049-1031 B.C.E.) ang isang mahalagang pinuno ng Assyria sa panahon na ito.

Sa panahong 745 B.C.E.,nakamkam ni Tiglath-Pileser III (745-728 B.C.E.)ang kapangyarihan at pina-isailalim ang iba pang mga estado sa isang imperyo. Sa sumunod na siglo, pinahaba pa ng mga haring Assyrian ang imperyo na umabot mula Iran hanggang sa bansang Egypt. Napatumba ng mga Chaldean ang Assyria sa isang pag-hihimagsikan. Kabilang o isa si Ashurbanipal (circa 668-627 B.C.E.) sa mga haring nagpapakita ng maayos na pamamahala sa kanyang panahon.

Ang larawan na nakita nyo, ay ang isang imahe ni Ashurbanipal.

#CarryOnLearning

View image Аноним