IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga maaasahang sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.

mga salita na nagpapahayag ng damdamin o emosyon

Sagot :

Answer:

Emosyon

Ang emosyon ay ang reaksyon ng ating katawan sa isang sitwasyon, maraming emosyon ang maaring maramdaman ng isang tao na nakadepende sa mga pangyayari sa kanyang buhay.

Mga salita na nagpapahayag ng damdamin o emosyon

  • Saya
  • Galit o Poot  
  • Tuwa  
  • Takot  
  • Kilig  
  • Lungkot  
  • Tapang  
  • Kaba  
  • Gulat
  • Inis/asar

Mga Halimbawa ng mga Pangungusap gamit ang mga Iba't-ibang Emosyon

  • Saya

Nakaramdam siya ng saya ng manalo siya sa paligsahan sa pagkanta.

  • Galit o Poot  

Galit at poot ang naramdaman niya ng kinitil ng kanyang ama na wala sa maayos na pag-iisip ang buhay ng kanyang ina.

  • Tuwa  

Tuwang-tuwa ang bata ng may nakitang bitbit na pasalubong ang kanyang nanay.

  • Takot  

Nabalot ng takot ang buong bansa sanhi ng kumakalat ng virus na tinatawag na Covid-19.

  • Kilig  

Si Alma ay nakaramdam ng kilig ng magkatuluyan ang kanyang paboritong loveteam na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

  • Lungkot  

Malungkot ang naramdaman ni Allan sapagkat mahihiwalay siya sa kanyang pamilya.

  • Tapang  

Kinakikitaan ng katapangan ang pangulo ng Pilipinas na si Pangulong Rodrigo Duterte.

  • Kaba  

Labis ang kanyang kabang nararamdaman sa nalalapit na patimpalak.

  • Gulat

Nagulat ang kanyang diwa sa nasaksihan niyang masamang pangyayari.

Para sa karagdagan pang kaalaman magtungo sa link na:  

Kahulugan ng Emosyon: brainly.ph/question/979850

#BetterWithBrainly