Maligayang pagdating sa IDNStudy.com, ang iyong platform para sa lahat ng iyong katanungan! Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.

Ano ang kahulugan ng salitang mamamayan?

Sagot :

Mamamayan

Kahulugan

Ang salitang mamamayan ay tumutukoy sa mga taong nakatira sa isang komunidad. Ito ay maaaring isang bansa, lipunan, rehiyon, at iba pa. Ito ay itinuturing bilang isa sa mga yunit ng ating pamayanan. Sa ating bansa, ang mamamayan ang may kakayahan na maghalal ng mga tao sa pwesto. Sila rin ang nagpapatakbo ng ating ekonomiya.

Ang mga mamamayan ay may pribilehiyo na natatamasa, at mayroon din silang mga responsibilidad na dapat gampanan sa isang lipunan. Bilang kapalit nito, sila ay binibigyan ng karapatan at proteksyon ng komunidad na kinabibilangan.

Mga uri

Sa Pilipinas, mayroong iba't ibang uri ng mga mamamayan na Pilipino, tulad ng:

  1. Natural o katutubong Pilipino
  2. Naturalisadong Pilipino
  3. Dayuhan na pinili ang maging Pilipino  

Sumangguni sa mga sumusunod na links para sa karagdagang kaalaman tungkol sa kahalagahan ng pagtutulungan ng mga mamamayan sa isang bansa o lipunan https://brainly.ph/question/672781

#LearnWithBrainly