Batay sa pagsimula ng mga tao, nagkakatulad ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig sa aspeto ng paraan sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan at sa katangian ng pagiging maparaan. Ang mga sinaunang tao ay gumawa ng paraan kung paano papagaanin ang kani-kanilang mga gawain sa pamamagitan ng paggwa ng mga kasangkapan o paglikha ng mas simpleng paraan sa paggawa ng mga bagay-bagay. Umusbong ang kanilang pamumuhay at mas napanatili nila ang katatagan ng kanilang kalakalan sa pamamagitan ng mga simple ngunit matalinong paraan.