Mayroong kaugnayan ang edukasyon sa antas ng pag-unlad ng isang bansa. Ang mataas na antas ng edukasyon ng isang bansa ay nangangahulugang mas malaki at mabilis ang pagkakataong umunlad ng isang bansa dahil sa maraming mga tao sa bansa ang maraming kaalaman na maaaring magpasok ng kapital o investment sa lugar. Sa kabilang banda naman kapag mababa o mahina ang antas ng edukasyon ng isang bansa ay magiging mahina o maliit din ang pagkakataon ng pag-unlad ng bansa sapagkat walang masyadong alam ang mga taong naninirahan dito.