Sumali sa IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.

Ano Ang Mga Salitang Nagtatapos Sa "an"?

Sagot :

Ang ilan sa mga salitang nagtatapos sa -an ay Kadalasan, Nakaraan, Karapatan, Saan, Bahay-bahayan, Kasintahan, Kagitingan, Eskwelahan o Paaralan, Katarungan at Tagdan.

MGA SALITANG NAGTATAPOS SA -AN AT ANG KAHULUGAN NG BAWAT ISA NITO

  1. Kadalasan .Ang salitang kadalasan ay nangangahulugang palagi, parati o malimit. Ang araw-araw o maya-mayang ginagawa ay maituturing na kadalasan.
  2. Nakaraan .Ang ibig sabihin ng salitang nakaraan ay nakalipas o nangyari na. Pwedeng kanina, kahapon o kamakailan lamang.
  3. Karapatan .Ang salitang karapatan ay nangangahulugang kung ano ang nararapat. Halimbawa ay ang karapatan ng isang bata na makapag-aral ng libre. Ibig sabihin nararapat lamang na pag-aralin ng libre ang isang bata.
  4. Saan .Ang saan ay isang uri ng salitang panghalip na ginagamit upang itanong ang kinaroroonan o kinalalagyan ng isang pangngalan na ang sagot ay lugar.
  5. Bahay-bahayan .Ang salitang bahay-bahayan bagama’ t may daglat ay itinuturing na iisang salita lamang. Ito ang tawag sa larong kunwari ay may bahay ang mga bata at sila ay gumagawa rin ng mga bagay na ginagawa sa tahanan.
  6. Kasintahan .Ang kasintahan ay salitang ginagamit upang ilarawan ang dalawang nilalang na pinagbubuklod ng pag-ibig subalit hindi pa mag-asawa. Kadalasan itong ngsisimula sa edad ng mga tinedyer.
  7. Kagitingan .Kagitingan ang tawag sa pagpapakita ng tapang ng isang nilalang sa tama o saktong paraan na kadalasan ay sa ikabubuti ng bayan at ng mamamayan nito.  
  8. Eskwelahan o Paaralan .Ang eskwelahan o paaralan ay isang pook na sadyang itinatag ng gobyerno upang pormal na mag-aral ang mga kabataan. Dito nila nililinang ang kanilang kakayahan katulong ang mga guro at kasama ang kanilang mga kamag-aral.
  9. Katarungan .Ang ibig sabihin ng katarungan ay hustisya o nararapat na makamtan ng isang tao. Maaaring ito ay katarungan mula sa pang-aapi o kasalanan o katarungang dapat na makamit bunga ng pagiging mabuti sa isang bagay o sa kuwalipikasyon ng kanyang edukasyon.
  10. Tagdan .Ang tagdan ay ang poste kung saan ang watawat ay iwinawagayway. Flag pole ito sa ingles.

MGA HALIMBAWA NG PANGUNGUSAP GAMIT ANG MGA HALIMBAWANG SALITANG NAGTATAPOS SA -AN NA NABANGGIT SA ITAAS

  • Kadalasang nakakapagtapos ng pag-aaral ang mga batang walang bisyo at magalang sa kanilang magulang.
  • Hinding-hindi malilimutan ni Lina ang sakit na dulot ng kanyang nakaraan.
  • Hindi nagpapatalo ang pamilya Rosas dahil alam nila ang kanilang karapatan.
  • Saan ka pupunta ngayong nasunog ang inyong bahay?
  • Naglaro kami ng bahay-bahayan ng aking mga kaibigan nang tinawag ako ni nanay.
  • Mahal na mahal ni King ang kanyang kasintahan kaya palagi niya itong inaalala.
  • Dahil sa kagitingan ng ating mga ninuno, nakalaya tayo mula sa pananakop ng mga dayuhan.
  • Pumasok na sa eskwelahan si Ted upang maagang makita ang kanyang mga kaklase.
  • Umiiyak ang mga kaanak ng biktima at isinisigaw ang katarungan.
  • Tuwing lunes, tinitingala namin ang watawat ng Pilipinas sa tagdan nito habang umaawit ng Lupang Hinirang.

Para sa karagdagang kaalaman, buksan ang:

https://brainly.ph/question/425123

#LearnWithBrainly

Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.