IDNStudy.com, ang iyong pangunahing mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.

Ano ang kongklusyong mabubuo batay sa paghahambing ng buhay sa Catal Huyuk at sa kasalukuyang pamumuhay ?

Sagot :

Ang Catal Huyuk ay isa sa mga pinakaunang pamayanan ng mga sinaunang tao noon na ngayon ay tinatawag na Turkey. Dito makikita ang patunay na mayroong sistema ang mga sinaunang tao ng agrikultura, paghahayupan, pag-iimbak ng mga pagkain. Ito ang tinaguriang pinaka "preserved" na "ancient neolithic site". Ang mga tao sa Catal Huyuk noon ay gumagamit ng mga kasangkapang mula sa pinakinis na mga bato.Tanyag din ang paraan ng paglibing ng kanilang mga patay dati kung saan inililibing lamang nila sa loob ng kanilang bahay ang kanilang mga patay. Dito nagsimula ang sining ng  paghahabi at paggawa ng mga palayok ay isang paraan din ng hanapbuhay ng mga tao.  Pagtatanim at pangangaso ang ikinabubuhay ng mga tao kung kaya't naaalagaan na ang mga kapatagan noon. Makikitang malaki na ang ipinagbago iniunlad ng pamumuhay ng mga tao kumpara sa mga taga Catal Huyuk ngunit ang maunlad na pamumuhay ngayon ay nagsimula pa rin sa payak na pamumuhay ng mga sinaunang tao dati na pinagyabong at pinagyaman lamang.