Ang eupemistikong salita para sa tsimay ay kasambahay o katiwala. Ang tsimay ay ang tawag sa tao o mga tao na binabayaran upang gawin ang iba't ibang gawaing bahay at ang lahat ng ipagawa ng taong nagbabayad. Ang tsimay ay salitang nauuso sa mga lansangan at sinasalita ng mga bakla na kung tawagin ay "gay language". Sa kasalukuyan ang mga tsimay ay mayroon ng proteksyon mula sa pang-aabuso na maaari nilang danasin sa kanilang mga amo. May iba't ibang benepisyon ding nakapanukalang ibigay sa kanila sa kanilang paninilbihan.