IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan para sa maaasahang mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

Ano ang nagawa ni haring darius the great sa imperyong persian

Sagot :

          Si Daruis the Great ay pinutungan ng korona ng pagkahari noong 521 BC/522 BC. Pinasimulan niya ang paggamit ng mga gintong kuwalta at pinaunlad ang kalakalan sa loob at labas ng imperyo. Pinahintulutan ni Dario na muling itayo ng mga Hudyo ang Templo ni Solomon sa Herusalem. Marami rin siyang itinayong mga templo sa Ehipto.Siya ang pinakaunang Oryental o Taga-Silangang mananakop na nakapagpaabot ng kaniyang imperyo sa Europa. Ginawa niyang isang magiting at makapangyarihang hukbong-pandagat sa Asya ang Persiya. Sinimulan at pinaunlad niya ang paggamit ng mga kuwaltang metal at pinagpare-pareho ang mga ito. Pinasimulan din niya ang regular na pangungolekta ng buwis, sistema ng mga daan, at maging ang sistema ng pagpapadala ng mga liham.
             Pinamahalaan ni Darius ang isang imperyo na umaabot mula sa Ilog Indus magpahanggang Dagat Aegean, kabilang ang Ehipto at Babilonya. Bilang paghahambing, hindi nakapaghari ng ganitong kalawak ang Asiria. Itinuturing na pinakamalaking imperyo na napagmasdan ng mundo ang Imperyo ng Persiya; bukod sa Ehipto at Babilonia, nasasakupan din nito ang Turkiya, Israel, Hordan, Lebanon, Siria, Irak, Apganistan, at bahagi ng Hilagang Pakistan.