IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

ano ang kahulugan ng bulwagan?

Sagot :

Ang bulwagang pasukan at labasan, o bulwagang tanggapan at hintayan ay isang silid ng isang gusali na nagsisilbing pasukan ng mga tao mula sa labas.

Iba pang kahulugan ng salitang Bulwagan:

Bulwagan: kabahayan, salas, pasukan

Bulwagan: malaking silid sa pasukan ng isang gusali

Bulwagan: awditoryo

Bulwagan: koridor o daanan sa isang gusali

Bulwagan: malakîng gusali sa unibersidad o kolehiyo na ginagamit sa pagtuturo o bilang tirahan

Bulwagan: sa sinaunang kastilyo o katulad na estruktura, pangunahing silid na ginagamit bilang kaínan, tulugan, at tanggapan ng mga bisita.

Para sa karagdagang ideya tungkol sa kahulugan ng bulwagan, maaaring i-click ang link na ito: Ibig sabihin ng bulwagan: https://brainly.ph/question/285999

Mga halimbawa ng pangungusap gamit ang salitang Bulwagan:

1. Sa kanilang pagtatanghal, may narinig siyang tinig na pinapupunta siya sa bulwagan pagkatapos ng programa at isang lalaking nakaasul na blazer ang magsasabi sa kanya kung ano ang gagawin.

2. Ang daang tunel sa loob ng bundok at pababa sa bulwagan ng makina.

3. Mga madalian at pabulong na usapan ang maririnig sa buong bulwagan.

4. Isang lumang pampublikong bulwagan na matagal-tagal nang napabayaan ang ginamit namin.

5. ▪ Dapat na patiunang dalhin sa bulwagan at ilagay sa tamang dako ang mga plato, baso, at isang angkop na mesa at mantel.

6. Ipaaabot ito sa inyo ng mga guro sa klase o kapwa estudyante sa mga bulwagan, sa binabasa ninyo, at nakikita sa popular na libangan.

7. Nang sa wakas ay matapos ako 10 minuto bago magsimula ang graduation, tumakbo ako papunta sa bulwagan.

8. Yamang mahigit 1,000 katao ang puwedeng magkasya sa awditoryum, hindi maunawaan ng mga mamamahayag doon na mahigit 100 lang kung bakit kailangang umupa ng malaking bulwagan.

9. Pagpasok namin sa bulwagan, damang-dama ang pananabik ng lahat!

10. Walang anu-ano, isang pangkat ng mga kabataang Katolikong tradisyunalista ang sapilitang pumasok sa bulwagan at pinahinto ang miting, gumagamit ng mga baretang bakal at isang bombang usok.

Maraming mga gusaling pangtanggapan o pang-opisina, mga hotel, at mga tanggapan ng manggagamot ang gumagawa ng paraan upang mapalamutian ang kanilang pasukang bulwagan upang makalikha ng tamang kakintalan o bakas .

Para sa karagdagang halimbawa ng pangungusap na gamit ang bulwagan maaaring magpunta sa link na ito: Gamitin sa pangungusap ang bulwagan: https://brainly.ph/question/284547

Mga Bagay na maaaring ilagay sa Bulwagan:

  • Magiginhawang mga muwebles, katulad ng mga malalambot na mga bangko at iba pang mga pangkaginhawahang mga silya, upang makapaghintay ng maginhawa ang mga kliyente.
  • Mga telebisyon, mga aklat, mga magasin, mga diyaryo, at iba pang mga babasahin, na makakatulong sa pagpapalipas ng oras ng kostumer habang naghihintay sila bago mapaglingkuran.
  • Mga magagandang paintings, mga bulaklak o mga halaman na maaaring ilagay sa loob ng bulwagan para maging kaakit akit at magandang tignan ang isang bulwagan.