Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

Ano ang karaniwang paksa ng tanka at haiku?

Sagot :

Nczidn
Ang mga tulang tanka at haiku ay may layuning mapagsama-sama ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang.

TANKA

Nagiging daan ang tanka upang magpahayag ng damdamin sa isa’t isa ang nagmamahalan. (tingnan ang buong detalye sa https://brainly.ph/question/412357)

Ang tanka ay nagpapahayag ng emosyon o kaisipan at ang karaniwang paksa ang pagbabago, pag- iisa o pag-ibig.

HAIKU

Noong ika-15 siglo, isinilang ang bagong anyo ng pagbuo ng tula ng mga Hapon. Ang bagong anyo ng tula ay tinawag na haiku. (tingnan ang buong detalye sa https://brainly.ph/question/412357)

Ang haiku naman ay laging n
apagpapahayag ng masidhing damdamin. 

Ang kinalalagyan ng salitang pinaghintuan sa haiku ay maaaring makapagpahiwatig ng saglit na paghinto sa daloy ng kaisipan nang makapagbigay-daan na mapag-isipan ang kaugnayan ng naturang berso sa sinundang berso.

Maaari din itong makapagbigay daan sa marangal na pagwawakas ng haiku.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Ang mga sagot sa mga sumusunod na katanungan ay maaaring makatulong:

1. Tulang mula sa Japan brainly.ph/question/196586

2. Paanong naiiba ang tanaga ng Pilipinas at ng Japan brainly.ph/question/414887