IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan para sa eksaktong at maaasahang mga sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

ano ang pitong uri ng pangatnig

Sagot :

Answer:

PANGATNIG

  • Ito ay ginagamit upang dagdagan ang kalinawan ng mga nasabi na.
  • Tinatawag na pangatnig ang mga kataga o lipon ng mga  salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala sa kapwa parirala at sugnay sa kapwa sugnay upang maipakita ang dalawa o higit pang kaisipan sa loob ng pangungusap.
  • Ito rin ay ginagamit din sa mga pangungusap na tambalan, hugnayan at langkapan.

MGA URI NG PANGATNIG:

1. Pamukod - ginagamit sa pagbukod o pagtatangi, gaya ng: o, ni, maging, at man.

Halimbawa:

a. Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na siya ay mabigo.

b. Batid ko ang pagkapanalo ng ating grupo kung si Roger man ang piliing lider natin.

c. Walang diprensiya sa akin maging si Jose ang magwagi sa paligsahan.

d. Ni sermunan ni saktan ay hindi ko ginagawa sa aking anak.

2. Panubali - nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya ng: kung, kapag, pag, sakali, disin sana.

Halimbawa:

a. Kung uulan, hindi matutuloy ang ating palatuntunan.

b. Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi umuwi nang maaga ang tatay.

c. Pag umulan, hindi makakapunta rito si Boyet.

d. Hindi tayo makakahuli ng maraming isda sakaling lumitaw ang buwan.

3. Paninsay - kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang ikalawang bahagi nito. Gaya ng: ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahiman, kahit.

Halimbawa:

a. Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit (kahit na) maraming naninira sa kanya.

b. Nakatapos si Ramon ng medisina bagaman tindera lang sa palengke ang kanyang ina.

c. Nanalo pa ring musa si Rosa datapwat may mga kaibigang bomoto sa kalaban niya.

d. Maganda nga ang kaibigan mo ngunit suplada naman.

4. Pananhi - nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa pagkaganap ng kilos. Ang mga ito ay: dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari.

Halimbawa:

a. Namaos siya dahil sa matagal na pagtatalumpati.

b. Sanhi sa init ng panahon kaya siya nilagnat.

c. Umapaw ang ilog sapagkat walang tigil ang ulan.

d. Nahilo si Anna mangyari ay ikot siya nang ikot.

5. Panapos - nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita, gaya ng: upang, sa lahat ng ito, sa di-kawasa, sa wakas, at sa bagay na ito.

Halimbawa:

a. Sa di-kawasa, ang pulong ay tinapos na.

b. Makukuha ko na rin sa wakas ang inaasam kong promosyon sa trabaho.

c. Sa lahat ng ito, dapat tayong magkaisa.

d. Sa bagay na ito, nasa ating mga kamay na ang paghuhusga.

6. Panlinaw - ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang banggit.

Halimbawa:

a. Nagkasundo na ang mag-asawa, kung gayon magsasama na silang muli.

b. Nahuli na ang tunay na maysala kaya makakawala na si Berto.

c. Wala akong masakyang dyip kaya napilitang akong maglakad pauwi.

d. Bukas ay amin ng pagsusullit kaya mag-aaral ako mamaya n gaming mga aralin.

e. Nagaway ang magkaibigang Ana at Belen, kung gayon sila ay hindi na nagpapansinan.

7. Panimbang - ginagamit sa paghahayag ng karagdagang  impormasyon at kaisipan, gaya ng: at - saka, pati, kaya, anupa’t.

Halimbawa:

a. Sina Jose at Pedro ay nagtungo sa bukid.

b. Pati ang gamit ng iba ay kanyang iniligtas.

c. Anupa't pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral para makaahon sa kahirapan.

d. Nagtanim siya ng upo at saka patola.

Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na:

Kahalagahan at Halimbawa ng Pangatnig: brainly.ph/question/391438

#BetterWihBrainly