Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng mga taong handang tumulong. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

sanaysay tungkol sa ang paghubog ng agrikultura sa kabuhayan ng mga tao sa timog asya
THANKS


Sagot :

Ang Paghubog ng Agrikultura sa Kabuhayan ng mga Tao sa Timog Asya

Noong unang panahon, simple at payak lamang ang naging pamumuhay ng mga sinaunang tao. Wala silang permanenteng tirahan at pangangaso ang kanilang ikinabubuhay gamit ang kanilang mga kamay hanggang sa maimbento nila ang mga kasangkapang pinakinis na bato. Sa kalaunan, napadpad ang mga ito sa mga lugar kung saan malalawak at matataba ang lupain.  Gamit ang kanilang likas na pagkamaabilidad, napagpasyahan o natutunan nila ang pagtatanim at pag-aalaga ng mga hayop.

Sa mga panahong ito, nagkaroon na ng konsepto ng permanenteng tirahan ang mga tao at agrikultura ang pangunahing ikinabubuhay nila. Sa Timog Asya, kung saan makikita ang lawak ng mga lupain at iba't ibang anyong lupa, naiwan ang mga patunay na nagkaroon ng sistemang pang-agrikultura sa lugar. Dito nagmula ang kasaysayan ng agrikultura bilang bahagi ng pamumuhay ng mga tao.