Ang malantik ay isang pang-uri na ang ibig sabihin ay mahahaba at makakapal. Ito ay karaniwang ginagamit sa paglalarawan ng pilik-mata ng isang tao. Halimbawa nito ay ang pangungusap na " Bagay sa mukha ni Nene ang malantik niyang mga pilik-mata". Ang malantik na pilik-mata ng isang lalaki o babae ay nagbibigay ng mala-inosenteng hubog at dating ng mukha. Ang mga mata ay tila ba nangungusap na ilaw sa ilalim ng malalago at mahahabang mga pilik-mata na parang manika.