IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa eksaktong mga sagot. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.

ano ang kahulugan ng planetang daigdig,mantle,plate,paggalaw sa araw , longitute at latitude

Sagot :

Ang Planetang Lupa

Ang Planetang Daigdig o Lupa ay maraming napakakomplikadong mga proseso, disenyo at kahanga-hangang mga pag-iral. Ang malaman mo pa lamang ang loob ng Lupa, talagang makukumbinsi ka sa tatag ng pundasyon  ito. Alamin nating ang kahulugan ng:

  1. Planetang Daigdig
  2. Mantle
  3. Plate
  4. Paggalaw sa Araw
  5. Longhitud
  6. Latitud

Planetang Daigdig

Ito ay ang mismong mundong ginagalawan natin; planetang may buhay. Earth ang tawag sa English. Lupa naman sa Tagalog dahil sa tuyong lupaiin (ground) nito.

Mantle

Ang Mantle ang pangalawang lebel ng Daigdig mula sa itaas.

Plate

Ito ay ang mga matitibay na piraso na matatagpuan sa ilalim ng lupa.

Paggalaw sa Araw

Ito ay tumutukoy sa pag-ikot ng mga planeta sa paligid ng Araw.

Longhitud

Ang Longhitud o Longitude ay isang meridyano na hilaga-timog at kalahati ng isang malaking bilog.

Latitud

Ang latitud o Latitude ay isang distansyang angular na tumutukoy gamit ng dalawang parallel papunta sa hilaga o timog ng ekwador.

Karagdagang Impormasyon

  • Higit na binigyang pansin ang kahulugan ng mantle sa: https://brainly.ph/question/19609 . Basahin mo at malalaman mo ang pakinabang ng mantle.
  • Mababasa mo pa ang kayarian ng araw sa proseso ng pag-ikot nito sa araw link na ito: https://brainly.ph/question/1388644.
  • Higit mo pang mauunawaan ang Longhitud at Latitud sa link na ito: https://brainly.ph/question/194794 .