IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at mabilis na mga sagot. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.
Sagot :
Answer:
Paglalarawan ng kultura batay sa tatlong panahon:
1. NOON- ang kultura noon ay may ritmo ng pag-awit, may kislot ng pagsayaw at pagtugtog, may haplos ng pag-aalay, may lambing ng panunuyo at tangis ng pamamaalam.
2. NGAYON- ngayon naman ay marami na ang nagbago, ang kulturang Pilipino ngayon ay maunlad na at naging malikhain. May ginagampanan na mga tradisyon sa pangkasalukuyan tulad ng: pampamilya, pang-eskuwela, pamayanan, panrehiyon at pambansa na dinilig ng maraming pagpapaalala, paggabay at patnubay at pinayaman ng makukulay na karanasan kulturang inihain at tinanggap, sinunod at isinakatuparan ito bilang ang regalo ng kultura na naging regalo ng kasalukuyan.
3. BUKAS- kulturang gagalang ninuman, bubuhay sa kultura noon, ngayon at hanggang magpakailan paman.
Explanation:
Kultura noon:
Pamana ng nakaraan.
Ang pagkaing Pilipino ay naging pamana ng nakaraan na hanggang ngayon ay patuloy na hinahanda sa tuwing may salo-salo.
Regalo ng kasalukuyan.
Ang mga pamamaraan ng pananamit ng Pilipino ay naging regalo ng kasalukuyan bagaman maraming sumusunod sa uso ngayon ngunit kung natatandaan ng iba ang mga pananamit noon ay pa nilang sinusunod ito.
Buhay ng kinabukasan.
Ang mga payo sa mga noon ay maging buhay sa kinabukasan ng mga anak kung ito’y susundin.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kulturang pilipino na nabanggit sa tulang ang pamana ng nakaraan, regalo ng kasalukuyan at buhay ng kinabukasan. Iugnay ito sa iba pang kultura sa timog-silangang asya, ay maaaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/155306
Kultura ngayon:
Pamana ng nakaraan.
Naging nakasanayan na ng mga tao ngayon ang pagiging pagkamalikhain na naaayon sa pamana ng nakaraan kung saan malaking tulong ito upang umunlad ang buhay ngayon.
Regalo ng kasalukuyan.
Ang pagkakaroon ng soloobing Pilipino ay isang regalo ng kasalukuyan dahil kahit saan tayo pumunta ay ipinagmalaki natin ang ating kinagisnan.
Buhay ng kinabukasan.
Likas sa Pilipino ang pagiging konserbatibo kung kaya't hanggang ngayon ay madami parin ang hindi nagpapadala sa mga bagong estilo ngayon at ang pagsunod nito ay nangangahulugang buhay sa kinabukasan.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ang natutunan mo sa akda ng kultura: pamana ng nakaraan,regalo ng kasalukuyan,at buhay ng kinabukasan, ay maaaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/189671
Kultura bukas:
Pamana ng nakaraan.
Ang mga Pilipino ay may kaugalian tulad ng bahala na, pakipot, hiya, pakikisama at utang na loob. Ito ay naging pamana na ng nakaraan, kung sakaling sundin ito ay patuloy na magiging kultura ng bukas at sa pamamagitan nito ay patuloy na makikilala ang tunay na kaugalian ng Pilipino.
Regalo ng kasalukuyan.
Ang pagiging magiliw sa mga panauhin ay nagiging likas na ng Pilipino maging noon paman hanggang sa ngayon at ito isang regalo sa kasalukuyan dahil hanggang ngayon ay hindi ito kumukupas at isa itong magandang kultura maging bukas paman.
Buhay ng kinabukasan.
Palaging iniisip ng mga Pilipino ang kanilang kinabukasan kung kaya't abante itong nag-iipon para sa kinabukasan ng mga anak at kahit paman sa sobrang pagod na ay kumakayod padin upang makamtan ang kinabukasan ng mga anak. At naging nakasanayan na ito ng mga Pililino kung kayat lubos na nagsisikap ang mga magulang para sa kinabukasan ng mga anak.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Ilarawan ang noon, ngayon at bukas sa kultura ang pamana ng nakaraan, regalo ng kasalukuyan, at buhay ng kinabukasan, ay maaaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/397390
Maraming salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang kasama para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin kami palagi.