Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema sa tulong ng mga eksperto ng IDNStudy.com. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.

10 halimbawa ng eupemistikong pahayag na may pangungusap

Sagot :

Ang mga eupemistikong pahayag ay mga matalinghagang pahayag na ginagamit upang hindi tuwirang ihayag ang tunay na kahulugan ng mga salita . Ilan sa mga halimbawa ay ang mga salitang naka-bold na nasa loob ng mga sumusunod na pangungusap.

1. Sumasakabilang buhay na ang kanyang tatay.
2. Ang kanilang kasambahay ay lubos nilang pinagkakatiwalaan.
3. Sumakabilang bahay ang kanyang asawa kaya't napariwara siya.
4. Ang tawag ng kalikasan ay hindi kayang pigilin ninuman.
5. Hindi ko gusto ang mga taong may malilikot na kamay.
6. Sabi nila naghulog sa balon daw ang batang hindi nakasagot sa pasulit kanina.
7. Nalunod sa sabaw ng monggo ang iyong itay.
8. Nagpakasal sila sapagkat napikot siya ng kainuman niya.
9. Napakagaan ng kanyang mga kamay sa mga makukulit na bata.
10. Pinag-iiwanan na ng panahon ang kanyang istilo.