Ang eupemistikong pahayag ng salitang tsimay ay kasambahay o katiwala sa bahay. Ito ay isang taong binabayaran mo upang mangasiwa at magpanatili ng kaayusan at maging ng katiwasayan ng iyong bahay, opisina o anumang lugar na kailangang manatiling maayos sa mata ng nakakarami. Ang taong ito ang siyang personal na nag-aasikaso sa mga bagay-bagay na ipapagawa o ipapaasikaso mo sa kanya. Maaari din tawaging katulong o utusan ang taong ito. Siya ang pinapagawa ninyo ng mga bagay-bagay na ayaw ninyon gawin katulad ng paglilinis ng bahay at iba pang nakakapagod na gawaing - bahay.