IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga tanong at sagot. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

ano ano ang panahong binanggit sa tula na kultura ang pamana ng nakaraan regalo ng kasalukuyan at buhay ng kinabukasan

Sagot :

Nczidn
Ang mga panahong nabanggit ay ang mga naka-bold at italics:


KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan ni Pat V. Villafuerte


NOON, ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton,

isang pagtahak sa matuwid na landas upang marating ang paroroonan

gaano man ito kalapit, gaano man ito kalayo

gaano man ito kakitid, gaano man ito kalawak

kaunti man o marami ang mga paang humahakbang

mabagal man o mabilis, pahintu-hinto man o tuloy-tuloy

ang bawat paghakbang ay may patutunguhan.

ang bawat paghakbang ay may mararating.

ang bawat paghakbang ay may pagsasakatuparan.

 

hindi na mabilang ang paghakbang na naganap sa ating kasaysayan

paghakbang na pinuhunanan ng pawis, dugo at luha

paghakbang na kinamulatan ng maraming pagsubok,

pangamba at panganib

mula pa sa panahon ng kawalang-malay

hanggang sa panahon ng walang humpay na pananakop,

digmaan at kasarinlan

at hanggang sa kontemporaryong panahon ng makinasyon

sumibol ang kayraming kulturang sinangkutsa sa ating diwa’t kamalayan

kulturang may ritmo ng pag-awit, may kislot ng pagsayaw,

may haplos ng pag-aalay, may lambing ng panunuyo

at tangis ng pamamaalam.

ito ang ating tinalunton, ito ang bunga ng ating paghakbang:

ang kulturang ipinamana sa atin ng nakaraan.

 

NGAYON, sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago,

binhing nakatanim ang maraming kulturang

nag-uumapaw sa ating diwa

nagbabanyos sa ating damdamin

nag-aakyat sa ating kaluluwa

sinubok ng maraming taon

inalay sa mga bagong sibol ng panahon

anumang kulay, anumang lahi, anumang edad, anumang kasarian

ang kultura’y pinayayabong

nang may halong sigla at tuwa,

nang may kasalong pagsubok at paghamon

kulturang sinusuyod ng kapuri-puring ugali at marangal na kilos

kulturang inihahain ng pagsamba’t prusisyon

kulturang sinasalamin ang pasko’t pistang-bayan

kulturang pinaaawit ng pasyon at pagsasabuhay ng Poon

kulturang patuloy na sumisibol at ipinapupunla ng tradisyon:

pampamilya, pang-eskuwela, pampolitika, panrehiyon at pambansa

na dinilig ng maraming pagpapaalala, paggabay at patnubay

at pinayaman ng makukulay na karanasan

kulturang inihain at tinanggap, sinunod at isinakatuparan

ito ang regalo ng kultura

regalo ng kasalukuyan.

 

BUKAS, ang kulturang itinudla ng nakaraan

at inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan

at mananatiling repleksyon ng kabutihan

kulturang gagalang sa mga bata’t matanda

kulturang rerespeto sa mga babae’t may kapasanan

kulturang luluklok ng pagbabayanihan at pagkakapatiran

kasaliw ng mga awiting bayan at katutubong sayaw

katali ng pagsasadula’t pagbabalagtasan

diwang marangal ang ipupunla. kariringgan ng maraming wika

magkakapantay sa kalayaan at karapatan

magsasama-sama, magkakapit-bisig, magtutulung-tulungan

habang patuloy na humahakbang upang galugarin pa

ang kulturang pagyayamanin ng ating lahi

ng lahing magiting

ng lahing kapuri-puri

ng lahing marangal.