Ang kontinente ang pinakamalaking anyong lupa, ito ay binubuo ng magkakatabing bansa.
Upang matukoy ang tiyak na lokasyon ng kontinente o bansa, ginagamit ang latitud at longhitud sa globo o mapa.
Ang Latitud ay ang mga pahalang o pahigang linya sa globo o mapa. Ito ang tumutukoy kung ang lokasyon ay nasa hilaga o timog ekwador.Mayroong 3 pangunahing latitud ang globo:Ekwador Tropiko ng Kanser Tropiko ng Kaprikorn
Ang Longhitud ay ang mga pababa o patayong linya sa globo o mapa.Ito ang tumutukoy kung ang lokasyon ay nasa silangan o kanluran.
Maari ring malaman ang lokasyon sa relatibong paraan. Una ay ang Insular na Pagtukoy kung saan natutukoy ang lokasyon ng bansa sa pamamagitan ng mga anyong tubig na nakapaligid dito. At ang Bisinal na Pagtukoy kung saan ang mga katabing bansa ang nagigi basehan sa pagtukoy ng lokasyon ng isang bansa.