IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Ang daglat ng Kagalanggalang ay Kgg. Ito ay isang titulo na ginagamit sa pagbibigay galang sa matataas na tao sa lipunan. Halimbawa ng mga ito ay ang mga opisyal ng pamahalaan, diplomat at mga pinuno ng mga organisasyong pandaigdig. Sila ay ginagamitan ng Kagalanggalang, nasa serbisyo man o retirado na. Sa Ingles, ito ay Honorable.
Ano ang pagdadaglat?
Ang pagdadaglat ay ang isang paraan ng pagpapaikli ng salita ngunit pareho parin ang ibig sabihin. Ang mga daglat ay kadalasang nagsisimula sa malaking titik. Nagtatapos din ito sa tuldok. Maaari rin naman na gamitin ang mga inisyal ng pangalan. Ang halimbawa ng mga salitang dinadaglat ay mga ngalan ng buwan, araw, tao o lugar.
Mga Halimbawa ng Pagdadaglat
Narito ang ilang halimbawa ng mga salita at ang kanilang daglat upang mas maunawaan ito:
- Lunes - Lun.
- Miyerkules - Miyer.
- Sabado - Sab.
- Pebrero - Peb.
- Abril - Abr.
- Setyembre - Set.
- Gobernador - Gob.
- Kapitan - Kap.
- Senador - Sen.
- Binibini - Bb.
- Ginang - Gng.
- Ginoo - G.
- Santa - Sta.
- Santo - Sto.
- Jose P. Rizal - JPR
- University of the Philippines - UP
- Department of Health - DOH
- Doktor - Dr.
Mga karagdagang halimbawa ng mga daglat ng salita:
https://brainly.ph/question/2073308
#LearnWithBrainly
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.