Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.

Bakit nagkakaroon ng computer virus ???


Sagot :

Nagkakaroon ng computer virus ang mga computers dahil maraming mga tao ang nais gumawa ng masama sa kanilang kapwa at maging mapagsamantala sa iba.

Ang computer virus ay maaring makuha sa pamamagitan ng :

  • USB or storage file na nanggaling sa infected na computer at ginamit sa iyong computer. Kapag ang isang infected na USB ay ginamit sa ibang computer, ang virus ay maaaring humawa o kumalat sa iba pang computers. Ito ang paboritong paraan ng mga virus na gumawa ng kopya ng kanilang sarili at magpasalin salin sa iba't ibang device.  
  • Kapag nakapagbukas ka ng email attachment mula sa hindi kilalang source. Bukod sa USB devices, ang email ang isa sa mga dahilan kaya nakakakuha ng virus ang ibang users. Maaring isama ang virus sa mga file attachments gaya ng JPEG (images) o word document, excel at iba pang klase ng file. Kapag ang attachment ay iyong naidownload na at nabuksan sa isang computer, ang virus ay magsisimula ng gumana.

Ilan sa mga kakayahan ng mga virus ay:

  • Magbura ng mga files.
  • Gumawa ng kopya ng mga files upang mapuno ang storage.
  • Bumagal ang performance ng computer.
  • Baguhin ang mga files.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa virus, basahin lamang ang mga nasa links sa ibaba:

  • Ano ang virus? (computer) : - https://brainly.ph/question/2163805
  • What is the difference between a computer virus and a worm? : https://brainly.ph/question/2255065
  • Epektibo ng virus sa computer o files : https://brainly.ph/question/532717