Makakuha ng mga payo ng eksperto at detalyadong mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Importante ang kabutihang panlahat sapagkat ang pagkamit nito ay siyang patunay ng pagkilala sa dignidad ng lahat ng tao. Kaya naman ang lahat ng tao ay dapat na magpakita ng malasakit upang makalikha o magbigay suporta sa mga institusyong panlipunan at mapaunlad ang kalagayan ng buhay ng bawat tao na sumasalamin sa lipunan.
Bilang bahagi ng lipunan, ang layunin ng tao ay makamit ang kabutihang panlahat. Anuman ang ating gawin hindi tayo maihihiwalay sa lipunan kaya naman kailangan natin ng ibayong pagsisikap upang makamit ang kabutihang panlahat upang magkaroon din ng kabutihang pansarili. Dapat tandaan na ang tao ay panlipunang nilalang na may tungkuling dapat gampanan sa pagpapa - unlad ng kaniyang komunidad at pangangalaga para sa kapakanan nito.
Keywords: kabutihang panlahat, lipunan
Ano ang kabutihang panlahat: https://brainly.ph/question/129193
#LetsStudy