IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga eksperto para sagutin ang iyong mga tanong. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

sino yung mga tauhan sa ang kwintas

Sagot :

Ang mga tauhan sa kuwentong Ang Kuwintas

  1. Matheldi Loisel- ang magandang may bahay ni G.Loisel na nagmula sa angkan ng mga taga sulat,  
  2. G. Loisel- ang mapagmahal na asawa ni Matheldi, siya ay nagtatrabaho bilang tagasulat sa Kagawaran ng Instruksyon Publiko.
  3. Ginang Ramponneau – isa sa umimbita kina G. Loisel at Gng.Loisel na dumalo sa isang kasiyahan.
  4. Ministro ng Edukasyon – ang nag anyaya sa mag Asawang Loisel sa isang kasiyahan.
  5. Madam Forestier- siya  mayamang kaibigan na nagpahiram ng kuwintas kay Matheldi Loisel.  

Ang Kuwento na Ang Kuwintas ay isinulat Guy de Maupassant na mula sa bansang France. Ang suliranin sa kuwentong ito ay nagmula sa isang kuwintas na hiniram ni Matheldi sa kanyang kaibigan na si Madam Forestier,dahil hindi siya masiyahan sa damit na isusuot niya kung wala siyang magandang palamuti sa katawan. Ang kasiyahang dadaluhan nilang magasawa ay mula sa paanyaya ng Ministro ng Edukasyon at ni Ginang Ramponneau. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay naiwala ni Matheldi ang hiniram niya sa kaibigan pagkatapos ng kasiyahan. At para sila ay makaiwas sa pagkapahiya ay nagpasya sila na bumili ng katulad ng kuwintas na naiwala niya upang ipalit dito. Ang naturang kuwintas ay nabili nila sa napakamahal na halaga dahil dun ay nagkandautang sila at naghirap  umabot ng sampung taon bago nila nabayaran ang utang, sa di inaasahang pagkakataon ay nagkasalubong ang landas ni Matheldi at ni Madam Forestier ipinagtapat ni Matheldi na ang dahilan ng kanilang paghihirap ay dahil sa nawalang kuwintas na hiniram niya, Ngunit ayon kay Madam Forestier at peke lang ang alahas na ipinahiram niya dito at ito ay nasa murang halaga lamang. Sampung taon silang naghirap ng dahil lamang pala sa Pekeng kuwintas. Ang aral sa kuwentong ito ay matuto tayo na makuntento kung anon lang ang meron tayo. At magsumikapupang magkaroon tayo ng sariling gamit.

Buksan para sa karagdagang kaalaman

  • Ang kuwintas buod https://brainly.ph/question/385347
  • Layunin ng kuwentong ang kuwintas https://brainly.ph/question/814701
  • Aral na nais ipabatid ng kuwentong ang kuwintas https://brainly.ph/question/367889