IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.

kahalagahan ng parabula

Sagot :

Mahalaga ang parabula sapagkat marami tayong mapupulot na mga aral at mga kaalaman sa pagbabasa nito. Ang mga parabula ay maaari nating igunay sa sarili natin, sa buhay natin, o sa mga pangyayari sa ating paligid at ito ayu maaari makapagturo sa atin ng mga bagay na magagamit din natin sa ating mga sariling buhay.

Ano ang parabula?

Ang parabula ay isang uri ng maikliong kwento na naghahatid ng isang aral. Ang mga ito ay kalimitan na hango mula sa Biblia, sa mga turo ng Panginoong Jesucristo. Ito ay mga mga tauhan na mga tunay na tao, at may tagpuan at mga sitwasyon na nakabatay parin sa realidad.

Pagkakaiba ng parabula sa pabula

Bagaman magkatunog at madaling mapagkamali sa isa't-isa, magkaiba sa uri ang pabula at parabula. kapwa ito mga maiikling kwento, at kapwa rin naghahatid ng mga aral at paalala. Subalit, ang dalawa ay naiiba sa mga sumusunod na mga bagay:

Ang parabula ay mga tao ang tauhan, samantalang ang pabula ay mga hayop, kalikasan, halaman, at mga bagay na walang buhay ang mga tauhan

Ang parabula ay kadalasan na nagmumula sa Biblia, samantalang ang pabula ay kadalasang kwentong naipasa na lamang sa paglipas ng panahon at hindi tukoy ang tunay na manunulat (hindi ganito sa lahat ng pabula)

Mga halimbawa ng parabula

  • Ang Pariseo at Ang Maniningil ng Buwis
  • Ang Alibughang Anak
  • Ang Parabula ng Banga
  • Ang Parabula ng Matiyagang Balo

Mga kaugnay na babasahin:

Tungkol sa Pabula at Parabula

https://brainly.ph/question/128747

https://brainly.ph/question/471780

https://brainly.ph/question/912383