IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa malinaw at eksaktong mga sagot. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

Paano naimpluwensyahan ng kapaligirang pisikal ng Asya ang pamumuhay ng mga Asyano?

Sagot :

            Ang pagkakaroon ng napakaraming uri ng kapaligirang likas ay kakanyahan ng Asya. Mahalagang maunawaan mo na ang kontinente ng Asya ay biniyayaan at nagtataglay ng iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig na lubos na nakakaapekto sa takbo ng pamumuhay ng mga Asyano.
         Bukod sa pinakapangunahing lugar panirahan ng tao, ang biyayang hatid ng mga anyong lupa sa tao ay nakapagdulot ng malaking impluwensya sa kanilang kultura at pamumuhay. Ang mga bulubundukin ay nagsisilbing likas na tanggulan o depensa ng isang lugar, at proteksyon o harang sa malalakas na bagyo at sigwa. Ang ilang mga disyerto, baybay-gilid, at mga kabundukan sa iba’t ibang bahagi ng Asya ay nagtataglay ng samu’t-saring yamang mineral - mga metaliko, di-metaliko, at gas.
           Sa mga bundok at gubat ay nakukuha ang mga bungang kahoy, mga herbal na gamot, at mga hilaw na materyales, bukod sa panirahan ng mga hayop, lalo na ng wildlife. Binubungkal, sinasaka at nililinang ng tao ang mga kapatagan at mga lambak para sa mga pananim, ang mga damuhan at mga burol ay ginagawang pastulan. Ang paggamit ng tao sa ibat’ibang uri ng anyong lupa ay nakapag-ambag sa paghubog ng kanyang uri ng pamumuhay at ng kabihasnan.

           Gaya ng ginawang paglinang ng mga taong nagpasimula ng mga sinaunang kabihasnan, ang mga lawa at ilog ay ang siyang pinagkukunan ng tubig bilang inumin at ginagamit sa pang-araw-araw na gawain. Ito rin ang pinagmumulan ng sistema ng irigasyon sa mga palayan at pananiman, daanan ng mga transportasyong pangtubig, at pinagkukunan ng mga pagkain at mga palamuti.