Ang sapupo ay isang pandiwa na ang ibig sabihin ay salo, o pagsalo. Ito ay isang salitang-kilos na isinasakatuparan ng isang tao na maaaring nagmamasid o nanonood o sadyang naghihintay. Halimbawa, may bolang inihagis ang kalaro ni Junjun, upang hindi matamaan at masaktan si Junjun o ang iba pang mga bata ay sinapupo niya ang bola o sinalo. Ito ay maaari ding maging parte ng laro gaya ng football kung saan maaaring saluhin ang bola ng mga manlalaro.