Answered

Magtanong at makakuha ng malinaw na mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.

ano ang kahulugan ng mapanlinlang? ang mapanlinlang ay isang gawaing di kanais nais.

Sagot :

Kahulugan ng Mapanlinlang

Ang salitang mapanlinlang ay may salitang ugat na linlang. Ang kahulugan nito ay paggawa ng isang bagay na hindi totoo para sa layuning iligaw ang paniniwala ng mga tao. Ito'y tumutukoy sa tao na mapangloko o madaya. Ang taong mapanlinlang ay gumagawa ng bagay na kapani-paniwala ngunit may tinatagong pansariling layunin. Sa Ingles, ito'y deceitful.

Mga Halimbawang Pangungusap

Ating gamitin ang salitang mapanlinlang sa pangungusap upang mas maunawaan ito. Narito ang ilang halimbawa:

  • Huwag kayong magtiwala kay Mang Roger. Maraming nagsasabi na mapanlinlang ang taong iyan.

  • Ang taong mapanlinlang ay hindi pagpapalain ng Diyos.

  • Hindi ako maniniwala sa mga sinasabi mo dahil mapanlinlang ka. Nakita kita na may kasamang iba.

  • Wala ng gustong makipaglaro sa kanya dahil mapanlinlang siya.

Paraan upang makaiwas sa mga taong mapanlinlang:

https://brainly.ph/question/152635

#LearnWithBrainly