Sa
balangkas
na patimbang, nahahati ang saknong sa dalawang timbang
na
pangkat ng taludtod na maaaring magkaayon o magkasalungat. Madalas, ang
dalawang pangkat na ito ay may pagkakahawig sa paglalatag ng diwa.
Halimbawa:
Nang walang biring
ginto,
Doon nagpapalalo;
Nang
magkaginto-ginto,
Doon na nga sumuko.
Samantala, sa pasuysoy naman, ay nagpapakita na ang mga nauunang taludtod
tumutulong lamang
upang isulong ang pahayag patungo sa huling linya. Kadalasan, sa panghuling taludtod lamang magiging lubos na malinaw ang diwa
ng tula.
Halimbawa:
Isda akong
gagasapsap,
Gagataliptip kalapad;
Kaya nakikipagpusag,
Ang kalaguyo’y
apahap.