IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga eksperto para sagutin ang iyong mga tanong. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

ipaliwanag ang pagkakaiba ng kamangmangang madaraig at di madaraig gamit ang halimbawa


Sagot :

Ang paliwanag at pagkakaiba ng dalawang uri ng kamangmangan

  1. Kamangmangang madaraig
  2. Kamangmangang di madaraig

  • Kamangmangang Madaraig

Ito at tumutukoy sa kamangmangan kung saan ikaw ay mayroon pang magagawang paraan upang ito ay malampasan. malalampasan mo ang kamangmangan sa pamamagitan ng pag aaral at pagsisikap na ikaw ay matuto, Tayo ay laging may pagkakataon na matuto sa maraming bagay ngunit ang ilan sa  atin ay nadadaig ng katamaran, walang ginagawa at gusto na lamang ay habang buhay na mangmang.

Halimbawa

May dumating sa inyong tahanan na isang tao na mayroong dalang papel at mga kasulatan sinabi niya sa iyo na kailangan mong pirmahan iyon dahil iyon ay mga dokumento na nagpapatunay na ang lupang iyong sinasaka ay pagmamay ari mo talaga. Ngunit sa katotohanan ay ang laman ng mga papeles na iyon ikaw ay kusang loob na aalis sa iyong lugar sapagkat ibinibigay mo na ang lupang iyon sa ibang tao. Maiiwasan ang mga ganitong bagay kung ikaw ay may kaalaman. kung ikaw ay mag aaral hindi ka maloloko ng sinuman.

  • Kamangmangang di madaraig

Ito ay tumutukoy sa kamangmangan ng tao na hindi nya malalampasan sapagkat siya ay hindi gumagawa ng paraan upang ito ay malampasan. Ito ay tumatagal at bumabawas sa pananagutan sa kanyang kilos at pasya. Ito ay dahil sa pagkakataong ginawa ang pag pili pinaniniwalaan mong tama ang iyong ginawa.

Halimbawa

May dumating sa inyong tahanan na inaalok ka ng iba't-ibang klase ng gamot, ayon sa kanya na ito ay mabisa nakakagamot ng lahat ng uri ng karamdaman. Bukod pa dito pag nag member ka sa kanila ay bibigyan ka nila ng mas maraming produkto at pwede mo pa ibenta sa iba at kikita ka ng malaki. Agad kang naniwala at nagbigay ng malaking halaga, pagkaalis ng taong iyon ay nasabi ng kaibigan mo na ito ay scam lahat ng mga produkto nila ay peke at hindi nakakagamot.

Buksan para sa karagdagang kaalaman

uri ng kamangmangan https://brainly.ph/question/214692

halimbawa ng kamangmangan https://brainly.ph/question/437172

Ano "Ang Karunungan ay tanglaw sa dilim ng kamangmangan"? https://brainly.ph/question/1334866