Sumali sa IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Estella Zeehandelaar
Sagot:
Ang kwentong Indonesian na Estella Zeehandelaar ay tungkol sa mga karanasan ng isang babae na nasa batang edad. Isang malaking parte ng ating pagkatao ang mga tradisyon ng ating bansa o lugar, ngunit hindi sa lahat ng oras ito ay nandyan para sa ating ikabubuti. Maraming mga opinyon na naglalarawan sa mga ito bilang positibong bagay at higit na nakakatulong sa ating pagkakakilanlan, pero sa kwentong ito-ito ay ang kabaligtaran.
Ang katayuan ng mga babae noong panahon ay maihahalintulad sa isang nilalang na hindi dapat tataas sa puwesto na mayroon ang mga lalaki. Ang tinatawag na hindi pagkakapantay-pantay, ang mga kababaihan ay madalas lamang nagpapakita ng presensya sa tabi ng kanyang asawa.
At ayon sa kwentong Estella Zeehandelaar ang mga kaugalian ng Javanese ay:
- Sa murang edad nararapat lang na manatili ang babae sa bahay
- Isang tungkulin ng babae ang makapag-asawa
- Hindi maaring makisalamuha sa mga programa ang babae
- Tanging mga lalaki lang ang may karapatang matanggap sa Unibersidad
Paliwanag:
- Ayon sa kwento nang tumungtong si Estella Zeehandelaar sa ikalabingdalawa taong gulang, siya ay pinanatili sa bahay. Hindi siya maaring umalis o pumunta kung saan maliban lang sa paaralan.
- Isang malaking kasalanan ang hindi pag-asawa ng isang babae sa kanilang tradisyon, kung kaya’t hindi maaring tumanggi ang kababaihan sa mga ito.
- Tulad ng naunang pahayag, hindi maaring lumabas ang mga babae sa kanilang bahay. Kaya kung sakaling may mga pista o pagdiriwang sa bayan hindi sila maaring dumalo.
- Isang Paaralan lang ang tumanggap sa mga kababaihan ayon sa kwento, at tangingn mga kalalakihan lamang ang natanggap ng pinakamalaking unbersidad sa kanilang lugar.
Kung mamarapatin mahirap nga ang buhay ng isang babae sa isang lugar na ayaw bumitaw sa mga lumang tradisyon. At dahil mas nakararami ang nais pang manatili sa panahong ganoon, ang isang ibang opinyon o pagtutol ay higit na nakakaakit ng atensyon.
Para sa iba pang impormasyon tulad nito i-click ang mga link sa ibaba:
Buod kay Estella Zeehandelaar: https://brainly.ph/question/778121
Sino si Estella Zeehandelaar?: https://brainly.ph/question/391995
Sinaunang pamumuhay ni Estella Zeehandelaar: https://brainly.ph/question/1645763
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang kasama para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin kami palagi.