Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema gamit ang IDNStudy.com. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Answer:
Sina Heidi Mendoza, Albert Einstein, Juan Luna at Gary Valenciano, ay pawang mga nilalang na umusbong sa kanya-kanya nilang mga larangan. Magkakaiba ang kanilang mga linya ng kagalingan ngunit lahat sila ay nagtataglay ng kaakibat na husay sa kanya-kanyang larangan at kinikilala ng kanilang henerasyon.
Explanation:
Sino si Heidi Mendoza?
Si Heidi Macaraan Lloce- Mendoza ay ang dating namumuna sa Commission on Audit ng Pilipinas. Naging kontrobersyal ang kanyang panahon dahil sa mga isinawalat nyang katiwalian sa gobyerno. Matapang na humarap at sumagot si Heidi Mendoza sa bawat tanong ng midya at mamamayan. Ngayon, sya ay nanunungkulan na bilang Undersecretary General ng United Nations Office of Internal Oversight Services.
Alamin ang mga tungkulin ng Commission on Audit: https://brainly.ph/question/1211788
Minahal ni Heidi Mendoza ang paglilingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagsisilbi at panunungkulan sa mga mahahalagan posisyon sa gobyerno , sa World Health Organization, at sa International Labor Organization.
Sino si Albert Einstein?
Si Albert Einstein ay isang physicist at napakahilig sa siyensa at teknolohiya. Siya ang may-akda ng teoryang General Theory of Relativity, ang isa sa mga haligi ng modern physics. Malapit sa puso at pamumuhay ni Albert Einstein ang Siyensya, at kilala sya sa buong mundo bilang isang henyo.
Alamin kung ano ang General Theory of Relativity ni Albert Einstein: https://brainly.ph/question/327114
Sino si Juan Luna?
Si Juan Luna ay isang bayani na umusbong noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas, isa rin syang mang-uukit at pintor. Isa sya sa mga unang kinilalang Pilipinong pintor. Ang Spolarium ang pinaka-tanyag nyang obra at kinikilala sa buong mundo.
Ang pagmamahal ni Luna sa bayan ang nagtulak sa kanya upang lumikha ng makabuluhang mga obra. Para kay Luna, ang sining ay isang mahalaga at epektibong armas upang ipaglaban at bigyang-tinig ang mga inaapi.
Narito ang mga kilalang likha ni Juan Luna:
- Spolarium, 1974
- The Death of Cleopatra, 1881
- El Pacto de Sangre, 1884
- La Batalla de Lepanto, 1887
- The Parisian Life, 1892
Palalimin ang kaalaman tungkol sa Spolarium: https://brainly.ph/question/596285
Sino si Gary Valenciano?
Si Edgardo Jose “Gary” Valenciano ay isang Pilipinong mang-aawit, manunulat at actor. Matuturing na isa si Gary Valenciano sa mga haligi ng OPM o Original Pinoy Music. Kilalang personal na laban ni Gary Valenciano ang sakit na diabetes.
Hindi matatawaran ang pagmamahal ni Gary Valenciano sa sining ng pag-awit at pagtatanghal.
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Bumalik ka sa IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa iyong tiwala.