IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksperto. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.

Halimbawa ng kapatagan sa pilipinas.

Sagot :

Ang Kapatagan o Plains ito ay tumutukoy sa malawak na lupaing patag na maaaring sakahan at taniman. Dito sa atin sa Pilipinas ang Gitnang Luzon ang Kamalig ng Pilipinas sapagkat ito ang pinakamalawak na kapatagan ng ating bansa kung saan nagmumula ang malaking produksyon ng palay sa bansa

Halimbawa ng kapatagan sa PIlipinas

  1. Zambales
  2. Bataan
  3. Bulacan
  4. Tarlac
  5. Pampanga
  6. Panay
  7. Cotabato
  8. Pangasinan
  9. Leyte
  10. Bicol
  11. Misamis Occidental

Mga anyong Lupa dito sa Pilipinas

  • Bundok

Ito ay tumutukoy sa pinakamataas na anyong lupa na matulis ang tuktok.Halimbawa ni ay ang bundok Apo.

  • Lambak

Ito ay tumutukoy sa isang patag na lupa sa pagitan ng bundok. Halimbawa nito ay ang lambak ng Cagayan.

  • Kapatagan

ito ay tumutukoy sa isang malawak na patag na lupa. Ang halimbawa nito ay  ang kapatagan ng gitnang Luzon.

  • Talampas

Ito ay tumutukoy sa isang patag na lupa sa itaas ng bundok, Ang halimbawa nito ay ang lunsod ng Baguio.

  • Bulkan

Ito ay tumutukoy sa mataan na anyong lupa na mayroong bunganga sa tuktok. Ang halimbawa nito ay ang Bulkang Mayon.

  • Bulubundukin

Ito ay tumutukoy sa magkadugtong na hanay ng mga bundok. ang halimbawa nito ay ang Sierra Madre

  • Burol

ito ay tumutukoy sa mataas na anyong lupa na mas maliit kaysa bundok. ang halimbawa nito ay ang Chocolate Hills.

  • Baybayin

Ito ay tumutukoy sa ang lupa na nasa tabing dagat. ang halimbawa nito ay ang Boracay.

  • Pulo

Ito ay tumutukoy sa bahagi ng lupa na napapaligiran ng tubig ang halimbawa nito ay ang Camiguin

Buksan para sa karagdagang kaalaman

Kahalagahan ng anyong lupa at anyong tubig https://brainly.ph/question/35473

Kapakipakinabang ng anyong lupa  https://brainly.ph/question/489828

Anyong lupa ng laguna https://brainly.ph/question/388032