Magtanong at makakuha ng mga sagot ng eksperto sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Answer:
Mayroong dalawang uri ng tambalan. Ito ay ang tambalang salita at tambalang pangungusap.
Kahulugan ng Tambalang pangungusap:
Ang tambalang salita ay binubuo ng dalawang buong payak pangungusap. Iniuugnay ito ng mga pangatnig (at, samantala, habang, ngunit, sapagkat)
Halimbawa ng tambalang pangungusap:
- Lalapitan na sana ni Ashley si Nicole ngunit dumating ang kinaiinisan niya.
- Hindi ako papasok bukas at maglilibang ako sa mall.
- Ginawa ko ang aking makakaya upang mapabuti ang aming proyekto samantalang sila ay naglalaro lamang.
- Inubos ko na ang mga pagkain habang nasa labas pa ang aking mga pinsan.
Ano ang Tambalang-Salita?
Ay ang tawag sa isang salita na mayroong dalawang magkaibang salitang ini-ugnay upang makabuo ng panibagong kahuluga.
Halimbawa:
- Mata pobre
- Patay-gutom
- Bahag-hari
- Buntong-hininga
- Kapit-tuko
- Madaling-araw
- Hatinggabi
- Tanghaling-tapat
Example Sentences sa Tambalang Salita:
- Nag resign ako sa aking pinagtatrabuhan dahil sa pagkakaroon ng matangpobre na pag-uugali ng aking amo.
- Tigilan mo ang iyong paraan sa pagkain, dahil nagmumukha kang patay gutom.
- Tuwang-tuwa ang aking pamangkin nang makakita siya ng bahag-hari matapos ang ulan.
- Napabuntong-hinga nalang si Alvin dahil wala na siyang magagawa upang mahanap ang kanyang ballpen na kabibili lamang.
- Si Alex at Gwen ay nakakainis tingnan, sila ay kapit-tuko na magkasama kahit saan.
- Gutom akong gumising kaninang madaling-araw.
- Nakarinig raw ang kuya ko ng mga kaluskos sa pintuan, sa hatinggabi.
- Pinahinga ko muna ang mga kaibigan ko dahil tanghaling-tapat na ang init, at nagpapalipad pa rin sila ng saranggola.
#AnswerForTrees
#BrainlyLearnAtHome
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!