Makakuha ng mga sagot mula sa komunidad at mga eksperto sa IDNStudy.com. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.

sa kasalukuyang panahon,sa iyong paligid ba ay may mga matilde kang nakikita?ilarawan

Sagot :

Sa kasalukuyang panahon,sa iyong paligid ba ay may mga Mathilde kang nakikita? Ilarawan

Oo, sa kasalukuyang panahon sa aking paligid ay may mga Mathilde akong nakikita. Sila ay ang mga social climbers na tinatawag. Sila ay may kakaunting kayamanan at pera ngunit ayaw nilang ipakita ito. Gumagastos sila ng higit sa kanilang kakakayanan. Sila ay mga taong nangungutang upang may mapagyabang sa iba. Bumibili sila ng bagong gamit kahit hindi naman kailangan, pero para lamang magmukha silang mayaman o cool.

Ang Kwintas  

Ang Kwintas ay ang istorya na isinulat ni Guy de Maupassant, isang French na manunulat.

Mga Tauhan

  1. Mathilde Loisel
  2. Ginoong Loisel
  3. Madame Forestier

Buod ng Ang Kwintas  

Si Ginoong Loisel at Mathilde Loisel inimbitahan ng Instruksyon Publiko sa isang engrandeng pasasalo-salo sa Palasyo Ministro. Ngunit walang masuot si Mathilde kaya binigyan siya ng 400 Prangko ni Ginoong Loisel kahit gagamitin sana niya ang pera sa pambili ng baril para sa pangangaso kasama ang kanyang mga kaibigan.  

Ngunit hindi pa rin nasiyahan si Mathilde. Hindi raw sapat ito at kailangan niya ng palamuti. Kaya, iminungkahi ni Ginoong Loisel na nanghiram ng kwintas kay Madame Forestier.

Dumating ang araw ng pagsalo-salo. Ngunit, dito niya nawala ang kwintas na kanyang hiniram noong pauwi na sila.  

Dahil rito, bumili si Mathilde ng kamukhang kwintas nito na pinangutang niya at ito ang binalik niya kay Madame Forestier. Kalaunan ay lalong naghirap si Mathilde, naging katulong sa bahay at nangamuhan.  

Pagkalipas ng sampung taon, nakasalubong ni Mathilde si Madame Forestier sa kalsada. Kasama ni Madame Forestier ang kanyang anak at siya pa rin ay may kahalinang kahalina na itsura. Si Mathilde naman ay mukhang pagod na pagod, kaawa-awa, at mukhang naghihirap.

Kinamusta at tinanong ni Madame Forestier si Mathilde kung bakit ganoon ang kaniyang itsura. Kinuwento ni Mathilde ang kanyang pinagdaanan, na kaya siya naghirap dahil sa nawala niyang kwintas na kanyang pinagbabayaran. Ngunit, bingangit ni Madame Forestier na isa lamang itong peke at gawa lang sa pilak na baso.

Pagkatapos nito, umuwi si Mathilde at kinuwento sa kanyang asawa kung ano ang nangyari.

Learn more:

Buod ng Ang kwintas ni Guy de Maupassant

  • https://brainly.ph/question/385347
  • https://brainly.ph/question/389612

Estilo ng Ang Kwintas ni Guy De Maupassant

  • https://brainly.ph/question/201943