Ang kahulugan ng nabibilang sa kwentong "Kay Estella
Zeehandelaar" ay kasali, kalahok o bahagi. Ito ay tumutukoy sa
partisipasyon ng bawat tao sa lipunan lalo na ang kalalakihan sapagkat sila
lang ang binibigyan ng karapatang makisalamuha at makisali sa mga desisyong
panlipunan. Sila lang ang binibigyan ng karapatang mag-aral samantalang ang
kababaihan ay hindi kabilang sa desisyon ng pamayanan. Sila ay ikinakahon ng kanilang
mga magulang hanggang sa makapamili sila ng mapapangasawa ng kanilang anak.