IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Francisco Balagtas
Si Francisco Balagtas ay ang prinsipe ng manunulang Pilipino. Ipinanganak noong Abril 8, 1788 sa Panginay, Balagtas, Bulacan. Anak nina Ginoong Juan Baltazar at Ginang Juana dela Cruz. Umibig at nabigo kay Maria Asuncion Rivera. Ikinasal kay Juana Tiambeng y Rodriguez.
Dalawang Dahilan ng Pagkakakulong ni Balagtas:
Si Francisco Balagtas ay nakulong sa unang pagkakataon dahil sa mga pakana ni Mariano Capule na isang mayaman at maimpluwensiyang binata na kapwa niya mangingibig kay Maria Asuncion Rivera nang malaman niya na ang dalagang si Celia sa Florante at Laura ay si Maria Asuncion Rivera. Dala ng labis na paninibugho kaya naman lahat ng paraan ay kanyang ginawa upang maipakulong si Francisco Balagtas. Hindi naman siya nabigo sapagkat noong 1835 ay nakulong si Balagtas sa salang hindi niya lubos na nauunawaan. Sa kulangan ay paulit - ulit na tinatanong ni Balagtas ang kanyang sarili kung may mali ba sa kanyang pagtatangi kay Maria Asuncion Rivera.
Ang ikalawang pagkakataon na siya ay nakulong ay bunsod naman ng reklamong inihain laban sa kanya ng isang kasambahay dahil sa pagkakagupit niya ng buhok nito noong siya ay nanunungkulan pa bilang Juez de Sementera at teniente mayor pa. Dahil marami ang naninibugho sa kanyang pamumuno kung kaya't marami rin ang nagnanais na siya ay mawala sa landas nila, inudyukan na marahil ang katulong na maghain ng reklamo laban sa kanya. Muli sa ikalawang pagkakataon ay hindi nabigo ang kanyang mga katunggali na siya ay maipakulong. Samantalang nawala din ang posisyon at kapangyarihan kanyang pinanghahawakan.
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.