Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.
Answer:
Malaki ang ginagampanan ng wika sa pambansang kaunlaran.Isang mahalagang instrumento ang wika sa komunikasyon, nagkakaroon ng kakayahang kumuha at makapagbahagi ng kaalaman; mithiin at nararamdaman sa halos lahat ng aspeto ng pag-aaral at sa ating pang- araw araw ng pamumuhay. Nakasalalay ang epektibong pagkatuto at matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa ibang tao sa pamamagitan ng wika. Kinakailangang maging mahusay ang isang indibidwal sa pagsasanay ng wika upang magamit ito nang maayos. Marami ang nagsikap at nagsisikap na mapayaman at mapaunlad ang wikang pambansa. Layunin ng mga pagsisikap na ito na magamit ang Wikang Filipino bilang wikang panturo o midyum sa edukasyon. Dahil sa pagbabago ng panahon ay malaki ang papel na ginagampanan ng wikang Filipino sa edukasyon. Ano ang kahalagahan ng wikang pambansa sa edukasyon? Ito ba ay instrumento tungo sa kaunlaran at kalagayang panlipunan ng isang bansa? Malaki ang tungkulin ng wikang pambansa sa pagtuturo at pagkatuto ng bawat isa.
Explanation: