Suriin ang IDNStudy.com para sa malinaw at detalyadong mga sagot. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:
1.Bayanihan
2.Pagtawag Ng “Ate” At “Kuya” Sa Nakatatandang Kapatid
3.Panghaharana
4.Malugod Na Pagtanggap Sa Bisita
5.Paggalang Sa Matatanda
6.Pagmamano
7.Pagsasabi Ng “Po” At “Opo”
8.Pamamanhikan
9.Pakikisama
10.Palabra De Honor
Malapit Sa
1. Bayanihan
2. Pagtawag Ng “Ate” At “Kuya” Sa Nakatatandang Kapatid
3. Panghaharana
4. Malugod Na Pagtanggap Sa Bisita
5. Paggalang Sa Matatanda
6. Pagmamano
7. Pagsasabi Ng “Po” At “Opo”
8. Pamamanhikan
9. Pakikisama
10.Palabra De Honor
Explanation:
1. Bayanihan
Isa sa magandang mga kaugalian ng Pilipino na talagang ipinagmamalaki ng mga Pinoy ay ang bayanihan. Ito ay ang sama-samang pagtutulungan ng taumbayan sa mga nangangailangan. Isang simpleng halimbawa na lang ay ang paglilipat-bahay kung saan nagtutulungan ang mga kapitbahay na magbuhat ng mga gamit. Hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin iton tradisyon ng mga Pilipino. Dito mo makikita ang pagpapahalaga sa kulturang Pilipino ng mga Pinoy.
2.Pagtawag Ng “Ate” At “Kuya” Sa Nakatatandang Kapatid
Likas sa kulturang Pilipino ang pagiging magalang. Kung sa ibang bansa ay sa pangalan lang tinatawag ng mga bata ang mga nakatatanda nilang kapatid, dito sa Pilipinas, ang tawag sa kapatid na matandang babae ay “ate” habang “kuya” naman ang tawag sa kapatid na matandang lalaki. Simbolo ito ng respeto sa mga nakatatandang kapatid. Isa ito sa mga ipinagmamalaking tradisyon ng mga Pilipino. At isa rin ito sa magagandang katangian ng mga Pinoy na nagpakilala sa kanila sa mundo.
3. Panghaharana
Isa pang tradisyong nakaukit sa kulturang Pilipino ay ang panghaharana. Karaniwan itong ginagawa ng lalaki para sa kaniyang nililigawan pero ngayon, ginagawa na rin ito sa panunuyo at pakikipagbalikan sa mga magkasintahang nagkalabuan. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagkanta ng lalaki sa babaeng kaniyang sinusuyo. Puwede itong gawin nang may tugtog o acapella. Kaya kung naghahanap ka kung ano ang kaugalian ng mga Pilipino para sa mga romantiko, harana ang sagot d’yan. Bagamat hindi na kasing dalas gaya ng dati ang panghaharana, nananatili pa rin ang tradisyon na ito pero ginagawa sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya. Sa pangkalahatan, ang harana ang isa sa mga natatanging bahagi ng kultura ng mga Pilipino.
4. Malugod Na Pagtanggap Sa Bisita
Gustung-gusto ng mga banyagang bumibisita sa Pilipinas ang magandang asal ng mga Pilipino gaya ng malugod na pagtanggap sa bisita. Sa katunayan nga, kilalang isa sa pinaka hospitable locals ang mga Pilipino. Dahil dito, talagang binabalik-balikan ng mga banyaga ang Pilipinas. Ang malugod na pagtanggap sa bisita ay isa sa mga kaugalian ng Pilipino na ipinagmamalaki. Hindi lang ito simbolo ng magandang asal at katangian kundi maging ang maganda at mayamang kulturang Pilipino
5. Paggalang Sa Matatanda
Lubos na magalang ang mga Pilipino, mapa-matanda man o bata, kahit sino pa ang kausap, magalang ang pananalita ng mga lokal. Ilan sa mga tanda ng paggalang sa matatanda ay ang pagmamano, pagsasabi ng “po” at “opo”, pagtulong sa kapwa, at marami pang iba. Importante ito sa mga Pinoy kaya ang paggalang sa kapwa ay isa sa mga pinapahalagahang kaugalian ng mga Pilipino.
6. Pagmamano
Isa pa sa mga kaugalian ng mga Pilipino na hanggang ayon ay hindi pa rin nawawala ay ang pagmamano. Tinutukoy nito ang pagkuha sa kamay ng nakatatanda at ilalapat ito sa noo ng nagmamano, sabay sasabihing “mano po.” Madalas itong isinasagawa bilang pagbati sa pagdating o bago umalis. Bata pa lang ay tinuturuan na ng matatanda ang mga mga bata para isabuhay ang ganitong kultura ng Pilipinas.
7. Pagsasabi Ng “Po” At “Opo”
Malaking bahagi ng kulturang Pilipino ang pagsasabi ng “po” at “opo.” Isa ito sa mga kaugalian ng mga Pilipino na tanda ng pagrespeto sa mga nakatatanda. Karaniwan itong sinasabi sa mga nakatatanda o sa mga hindi kakilala bilang paggalang. Ito marahil ang pinakasikat na tradisyon ng mga Pilipino.
8. Pamamanhikan
Isa ring mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino ay ang pamamanhikan. Isinasagawa ang pamamanhikan kapag ang isang babae at lalaki ay nagkasundong magpakasal. Pormal na hinihingi ng lalaki ang kamay ng kaniyang nobya sa harap ng kanilang mga magulang at iba pang malalapit na kaanak o kaibigan. Pagkatapos nito ay may salo-salo at sa hapag pinag-uusapan ang detalye ng kasal. Bagamat moderno na ang panahon ngayon, isa ito sa nananatili pa ring mga kaugalian ng mga Pilipino.
9. Pakikisama
Maraming magagandang mga katangian ang mga Pilipino at isa na rito ang pakikisama. Ang pakikisama ay isa sa 10 kaugalian ng mga Pilipino na hanggang ngayon ay buhay pa rin. Ginagawa ito sa pagnanais na magkaroon ng maganda at mabuting pakikitungo sa iba. Ito ang isa mga magagandang halimbawa ng kultura sa Pilipinas.
10. Palabra De Honor
Isa pa sa 10 kaugalian ng mga Pilipino na pinahahalagahan pa rin hanggang ngayon ay ang Palabra de Honor. Ang ibig sabihin nito ay kailangang tuparin ang iyong ipinangako. Kapag ikaw ay sinabihang may Palabra de Honor, ibig sabihin ay “may isang salita” ka.
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na maging aktibo at magbahagi ng iyong karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay. Bumalik ka sa IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa iyong tiwala.