Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Maraming posibleng dahilan kung bakit patuloy na inaangkin ng china ang West Philippine Sea kahit na ito'y malinaw na teritoryo ng bansang Pilipinas. Maraming eksperto na rin ang nagsalita at nagpahayag ng pagsuporta sating bansa na ang mga islang matatagpuan sa West Philippine Sea ay sakop na teritoryo ng Pilipinas ngunit patuloy pa rin ang pagpapalawig ng pwersang militar ng China sa lugar na ito. Ilan sa mga dahilang kanilang binanggit ay:
Ayon sa kasaysayan ng China, itinuturing nitong isang probinsya kaya ang lahat ng nasasakupan ng ating bansa ay kanilang teritoryo. Ngunit, walang patunay ang pahayag na ito at walang makitang ebidensya na ito ay naganap sa kasaysayan.
Maganda ang lokasyon ng West Philippine Sea upang mapalawig, mapagtibay, at mapalakas ng China ang kanilang pwersang pantubig sa mga nais manakop sa kanilang bansa. Dahil napaliligiran ng kalupaan ang kanilang bansa at tanging ang West Philippine Sea ang pinakamalawak na katubigang malapit sa Pilipinas, magandang oportunidad ito upang maisakatuparan ang plano ng China.
Kamakailan lang ay maraming natutuklasang deposito ng langis sa West Philippine Sea kaya hindi maiaalis ang posibilidad na nais din nilang kamkamin ang mga natural na enerhiyang ito. Liban dito, sagana rin sa mga produktong dagat ang West Philippine Sea kaya dito nangingisda ang kanilang mga bangkang pangingisda.
Dahil rin sa patuloy na pakikipagmabutihan ng ating pamahalaan sa bansang China, kahit pa ka-alyado ng bansa ang America, nagkakaroon ng pagkakaunawaan ang dalawang bansa at maaaring isa sa mga kundisyon ay ang usaping teritoryal.
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.