IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw at konkritong sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

Basahin ang mga sumusunod at sagutin ito

Ito si Bernard Dela Cruz. Hindi siya nawawala sa Top 10 ng kanilang klase,
Sa kabila ng kahirapan ay masigasig siya sa kaniyang pag-aaral. Malayo
man ang kaniyang tirahan sa pinapasukang paaralan ay hindi iyon dahilan
upang lumiban siya sa klase. Madaling araw pa lamang ay nagsisimula nang
maglakad si Bernard upang hindi siya mahuli sa kanilang klase, Ganito ang
gawain ni Bernard, umulan man o umaraw.
Mallit lamang ang kinikita ng mga magulang ni Bernard. Apat silang
magkakapatid na itinataguyod ng mga ito. Para makatulong sa gastusin
sa bahay ay tumutulong sl Bernard sa paglalako ng nilupak pagkatapos ng
kaniyang klase.
Nabansagan si Bernard sa kanilang barangay na Boy Nilupak dahil sa
kaniyang paninda. Inihihiyaw kasi ni Bernard ang kaniyang paninda na
nakalagay pa sa bilao. Kapag nakikita siya ng kaniyang mga kakilala ay
kinakantiyawan siya ng mga ito. Pero nakikitawa na lang si Bernard at hindi
niya ito dinaramdam. Ang mahalaga ay nakatutulong siya sa kaniyang mga
magulang.

1.Ano ano ang mga natatanging pag-uugaling mayroon si bernard?

2.Paano naipakita ni Bernard ang katatagan ng kaniyang loob sa kabila ng katayuan sa buhay?

3.ano ang aral sa kwento

nonsense=report​


Sagot :

Answer:

1. Si Bernard ay mabait,masipag at matiyaga

2. Ipinapakita nya ito sa pag aaral ng mabuti at pagtulong sa kanyang mga magulang

3. Kahit na mahirap lang Tayo ay dapat tayong magtiyaga sa pag aaral at magsikap para Tayo ay makatulong sa ating mga magulang