Makakuha ng mabilis at eksaktong mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.

paano makikilala na ang isang akda ay mitolohiya?​

Sagot :

Answer:

Paraan kung paano makikilala na ang isang akda ay mitolohiya

Makikilala ang isang akda na mitolohiya kung ang tinatalakay ng mga kwento ay mga diyos at diyosa at iba pang makapangyarihang nilalang. Kadalasan ito ay naka-ankla sa kultura, tradisyon, alamat at relihiyon ng isang rehiyon o bansa. Madalas, ang tinatahak na tema ng mitolohiya ay kababalaghan. Ngunit, kahit na nababalot ito ng kababalaghan at madalas ang kathang-isip lamang, mayroong pa din itong mga nai-aambag sa kasaysayan at pati na rin sa mga modernong pag aaral. Makikilala rin ito kung ang akda ay nagtataglay ng mga elemento nito tulad ng;

1. Tauhan

mga diyos o diyosa

mga taong may taglay na kapangyarihan

makulay at puno ng imahinasyon ang pagganap ng mga tauhan

2. Banghay

Pagsunod-sunod sa kaganapan at pangyayari

Dapat masusuri ang pagiging makatotohanan o di-makatotohanan ng akda

Naglalahad ng pakikipagsapalaran ng isang tao upang ipagtanggol ang kanyang bansa Nagpapaliwanag ng mga pangyayari at kalagayan ng mga tao sa bansang inilalarawan sa mitolohiya noon at sa kasalukuyan

Naglalahad ng mga mahahalagang pangyayari sa kuwento.

3. Tagpuan

Salamin ng sinaunang lugar at kalagayan ng bansa kung saan ito umusbong

May kaugnayan sa batis, ilog, parang, triguhan, palayan, kabundukan at iba pa

Nasusuri ang kalagayan ng mga bansa noon at sa kasalukuyan

Nalalaman kung anong uri ng komunidad mayroon ang kanilang ninuno at maiuugnay sa paraan ng kanilang pamumuhay ngayon at pagpapahalaga sa kapaligiran sa kasalukuyan