IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may mabilis na sagot. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.

Gawain 2 Basahin natin!
Panuto: Basahin ang tula at sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.

Nakikita ang butas ng karayom,
Hindi ang butas ng palakol
Mayroon pang taong
Sobrang palapuna at palapintasin,
Sa mukha ng kapwa'y
Nakikita agad ang dumi o dusing:
Munting kapintasan
Ng kapwa niya taong laging pinapansin
Ang kamalian niya't
Mga kasamaan ay ayaw aminin.
Dungis sa mukha mo'y pahirin mo muna
Bago ka mamintas ng mukha ng iba.

Halaw sa tulang Mga Ginto sa Putikan ni Gregorio G. Cruz

1.Ano ang pinapaksa ng tula?

2.Alin sa mga kasabihan ang pinakaangkop sa pandemiyang nararanasan
sa kasalukuyan?

3. Ano ang kaugnayan ng kasabihang ito, “Nakikita ang butas ng
karayom, Hindi ang butas ng palakol" sa buhay mo?

4.Bilang mag-aaral ng new normal, paano mo isasabuhay ang
kasabihang "Dungis sa mukha mo'y pahirin mo muna,bago ka
mamintas”?

5.Bilng kabataan, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga karunungang-bayan na iyong napag-aralan?​