IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa malinaw at eksaktong mga sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.

Panuto: Isulat sa patlang ang P kung ang pahayag ay nagbibigay ng patunay at ang DP kung hindi ito nagsasaad ng patunay.
______ 1. Ang mahigit labing-anim na milyong boto para kay Pangulong Duterte ay patunay na nakatawag-pansin sa

maraming mamamayang Pilipino ang kanyang pangakong pagbabago.
______ 2. Umaasa ang marami na may magbabago nga sa kani-kanilang buhay.
______ 3. Unti-unting nabibigyang-pansin ang mga personalidad mula sa Mindanao at bilang patunay rito, ang tatlong
matataas na personalidad sa pamahalaan (pangulo, senate president, at speaker of the house) ay pawing
mga taga-Mindanao.

______ 4. Ang Department of Agriculture ay maglalaan ng 30 bilyong pisong badyet para makamit ng bansa ang

pagkakaroon ng sapat na bigas o pagkain sa loob ng dalawang taon.
______ 5. Huwag lang sana tayong salantain ng malalakas na bagyo.
______ 6. Pinatutunayan ng mga dokumentaryong ebidensiya na ang Pilipinas ay bansang pinakalantad sa mga
bagyo dahil sa kinalalagyan nito at sa mahigit 7 libong islang lantad sa hangin at ulang dala ng mga bagyo.
______ 7. Katunayan, sa bawat taon ay may 8 hanggang 9 na bagyo ang pumapasok sa ating PAR o Philippine Area

of Responsibility.

______ 8. Maging handa tayo sa pagdating ng mga mapaminsalang bagyo.
______ 9. Pinatunayan ng ginawang pag-audit sa mga operasyon ng minahan sa bansa na may ilang minahang
sumisira sa kapaligiran kaya naman ang apat sa mga minahang ito ay ipinasara ng DENR o Department of Environment and Natural Resources.

______ 10. Ang pagkasira ng kapaligiran dahil sa epekto ng maling pagmimina ay tinututulan ng ating Saligang Batas.
Katunayan, may tinatawag na Writ of Kalikasan na nagsasaad ng ating karapatan para sa malusog na
kapaligiran.