IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman at mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

sariling pagpapakahulugan sa salitang abstrak

Sagot :

Answer:

syrenenicolegorre

Helping Hand

3 answers

131 people helped

Answer:

Abstrak

Kahulugan ng Abstrak

Ang kahulugan ng abstrak ay paglalahad ng problema o suliranin, metolohiya, at resulta ng pananaliksik na isinagawa. Dito rin nakasaad ang konklusyon at rekomendasyon ng pananaliksik.

Ang abstrak ay isang maikling buod ng isang artikulo, ulat, pag-aaral, at pananaliksik na makikita bago ang introduksiyon. Nakasulat dito ang mahahalagang bahagi.

Karaniwang gumagamit ng 100 to 500 na salita sa paggawa ng abstrak. Maaari ring magbago ang nilalaman ng abstrak ayon sa disiplina at kagustuhan ng palimbagan.

Ang abstrak ay nahahati sa ganap (kumpletong abstrak) at di-ganap (limitadong abstrak). Uri ng Abstrak

Deskriptibong Abstrak - ang pangunahing ideya ng papel ay inilalarawan sa mga mambabasa. Dito nakapaloob ang kaligiran, tuon, at layunin ng papel. Wala itong konkretong buod o konkretong resulta ngunit para itong isang plano na dapat na sundan ng isang manunulat. Ito ay maiksi at binubuo lamang ng 100 o kulang sa 100 na mga salita.

Impormatibong Abstrak - ang mahahalagang ideya ng papel ay ipinahahayag sa mga mambabasa. Nakapaloob dito ang halos lahat ng elemento ng abstrak na sulatin. Ito ay kumpleto, detalyado, kapaki-pakinabang, at may malinaw na impormasyon. Ito ay karaniwang maikli na may 10% haba ng buong papel ngunit mas mahaba kumpara sa deskriptibong abstrak. Ito ay isang talata lamang na binubuo ng halos dalawang daan at limampung salita o higit pa.

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa uri ng abstrak, maaaring pumunta sa link na ito: brainly.ph/question/1614899

Katangian ng Abstrak

Binubuo ng 200 hanggang 250 na salita.

Ginagamitan ng mga simpleng pangungusap.

Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel.

Madaling nauunawaan ng target na mambabasa.