IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at eksaktong mga sagot. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

ano ang mahalaga sa wikang filipino?

Sagot :

Answer:

Isa sa mahalagang aspeto ng kultura ng isang bansa ay ang wika. Bahagi ito sa ating pang-araw araw na buhay. Ginagamit natin ito upang sa gayon tayo ay magkaintindihan. Ngunit hindi rito natatapos ang kahalagahan ng wika sa atin at sa ating lipunan.  

Hindi lamang makakaahon sa berbal at hindi berbal ang paggamit ng wika. Ito ay bahagi ng ating pagkakakilanlan bilang isang tao at isang bansa. Ito ang siyang bumubuo sa personalidad o katangian ng isang tao. Sa paggamit ng wika, nahahasa ang ating kaalaman at kakayahan sa pagsasalita. Nagiging matatag ang ating pundasyon sa paggamit ng mga salita at lalo nating nauunawaan ang ating mga kapwa. Makapangyarihan ang mabuti at wastong paggamit ng wika sapagkat ito ay isang daan upang mas maging matatag ang ating pagkakakilanlan.