IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa eksaktong at maaasahang mga sagot. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

1.Ang wika ay mula sa salitang "lingua" dahil ang dila ang pangunahing instrumentong ginagamit ng tao sa kanyang pakikipagtalastasan sa kanyang paligid.

TAMA O MALI

2.Ang katawagang "lingua franca" ay mas kilala ng kabataan ngayon sa saling "French Language."

TAMA O MALI

3.Sa sampung opisyal na wika ng bansang Pilipinas, apat dito ay nagmula sa Luzon.

TAMA O MALI

4.Gaya ng Luzon, may apat ding opisyal na wika ng bansa na nagmumula sa Visayas.

TAMA O MALI

5.Dahil sa hindi pa masyadong napag-aralan ang iba't ibang diyalekto at pangkat sa Mindanao, dalawang opisyal na wika lamang ang kinilala mula sa islang ito.

TAMA O MALI

6.Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay may masistemang balangkas na pinili para magamit ng mga taong nasa parehong kultura at paniniwala.

TAMA O MALI

7.Mula sa teorya ni Charles Darwin, ang posibleng maging wika ng sanggol ng mag-asawang Cebuanong nakatira sa Maynila ay Cebuano lamang.

TAMA O MALI

8.Anuman ang nakagisnang wika ng isang bata sa kanyang paligid, ito ang kanyang magiging unang wika.

TAMA O MALI

9.Ang wika at diyalekto ay nasa parehong antas, lahat ng diyalekto ay wika.

TAMA O MALI


10.Ang Wikang Filipino ay sinasabing kakaiba dahil ito ay wikang PILI at PINO para sa ating LIPI.

TAMA O MALI