Mayaman sa mga pabula ang
Pilipinas lalung-lalo na ang Mindanao. Ilan sa mga pabula mula sa Mindanao ay
ang "Naging Sultan si Pilandok", "Natalo rin si Pilandok",
"Si Aso at si Ipis", "Si Haring Tamaraw at si Daga"
at marami pang iba na patuloy pa rin na ipinapasalin-salin sa iba't ibang
henerasyon magpahanggang-ngayon.
Ang kuwento ng "Naging Sultan si Pilandok" ay tungkol kay Pilandok na naging sultan dahil sa panlilinlang na ginawa niya sa totoong sultan. Ang kuwento namang ng "Aso at Ipis" ay kuwento ng isang matataga at magandang pagkakaibigan.