Suriin ang IDNStudy.com para sa malinaw at detalyadong mga sagot. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Answer:
Ang salawikain ay mga kasabihan o kawikaan na nagbibigay ng magagandang aral at gabay sa pamumuhay, sa asal, at sa pakikipagkapwa. ng tao. Ito ay isang tuntunin o kautusang kinilala at pinatibay ng karanasan. Ito rin ay nag-uugnay lalong-lalo na sa mga bagay at kapakanang maaaring mangyari o may kahalagahan sa buhay.
Samantalang ang sawikain o idiyoma ay mga salitang patalinhagang karaniwang ginagamit sa araw-araw. Ito ay nagbibigay ng di-tiyak na kahulugan ng salitang isinasaad nito.
MGA HALIMBAWA NG SALAWIKAIN:
- Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
- Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.
- Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa .
- Kung ano ang puno, siya ang bunga .
- Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin .
- Ang mabigat ay gumagaan kapag nagtutulungan.
- Ang taong walang kibo ay nasa loob ang kulo.
- Kung may tinanim, may aanihin.
- Ano man ang iyong gagawin, makapitong beses dapat iisipin.
- Sala sa lamig, sala sa init.
- Ang tunay na kaibigan, makikilala sa oras ng kagipitan.
- Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
MGA HALIMBAWA NG SAWIKAIN:
- Anak-dalita - mahirap
- Bukal sa loob - mabait
- Usad-pagong - mabagal
- Mahigpit na pamamalakad -- malupit
- Hinahabol ng karayom – may sira ang damit
- Parehong kaliwa ang paa – hindi marunong sumayaw
- Tulain mo na lamang – hindi magaling umawit
- Parang suman – masikip ang damit
- Basang sisiw – kaawa-awa
- Batang-isip - walang muwang
- Huling baraha – natitirang pag-asa
- Huling hantungang - libingan
Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa mga link na:
Pagkakaiba ng Salawikain, Sawikain at Kasabihan: brainly.ph/question/12284
#BetterWithBrainly
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Sama-sama tayong magpapaunlad ng isang komunidad ng karunungan at pagkatuto. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.